Naitala ang pinakamabilis na pagsipa ng presyo ng bigas noong Disyembre 2023 sa loob ng nakalipas na 14 na taon base sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito ay sa kabila pa ng pagbagal ng kabuuang inflation sa bansa noong huling buwan ng taong 2023.
Iniulat ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na bumili ang rice inflation noong Disyembre sa 19.6% mula sa 15.6% na naitala noong November 2023.
Ito na ang pinakamabilis na naitala sa inflation sa mga pagkain mula noong Marso 2009 kung saan pumalo sa 22.9% ang rice inflation.
Batay sa datos ng PSA, ang average national price ng regular milled rice noong December 2023 ay nasa P48.50 kada kilo mula sa P46.73 noong November 2023 at mas mataas din ito kumpara sa P39.63 kada kilo na naitala noong December 2022.
Para naman sa well-milled rice, ang presyo kada kilo noong December 2023 ay nasa P53.82 mas mataas sa P51.99 kada kilo noong Nove,ber 2022.