JM De Guzman

Nilinaw ni Ria Atayde na wala pa sila sa “ligawan stage” ng kapwa celebrity na si JM De Guzman.

Ito’y kahit pa may mga pagkakataon aniya na lumalabas sila ni JM na hindi kasama ang iba pa nilang kaibigan.

“We’re really friends, doon talaga nag-umpisa you know barkada, we started hanging out with everybody, until you know we started hanging out na kami nalang, so slowly but surely, I don’t know we’ll see,” saad ng 27-year-old actress.

Ayon pa kay Ria o Maria Sophia sa tunay na buhay, nais niya munang makilala si JM kaya ini-enjoy ang kanilang “getting to know each other” moment.

Si Ria ay mula sa angkan ng mga artista kung saan kapatid nito si Arjo, habang parehong veteran actors ang kanyang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Arturo Atayde.