Tinatayaang aabot lang ng hanggang P2.6 trillion ang revenue collections ng pamahalaan ngayong taon.
Ipinaliwanag ni Finance Sec. Carlos Dominguez III sa Senate Committee of the Whole na resulta ito ng mahinang economic activity bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ang P2.6 trillion projected total revenue collection ngayong 2020 ay 17 percent na mas mababa sa kinita ng pamahalaan nooong nakaraang taon.
Dahil dito, sinabi ni Dominguez na “constrained” o hirap din silang humingi ng supplemental budget para sa COVID-19 response dahil hindi nga sapat ang kinikita ng pamahalaan mula sa pagbubuwis para punuan ito.
Gayunman, iginiit ng kalihim na hindi kulang ang pera ng pamahalaan para sa COVID-19 response.
Sa katunayan, aabot sa P100 billion ang nakolekta nila sa mga government owned and controlled corporations (GOCCs) mula Enero hanggang noong Abril.
“We are living within our means and trying to appropriate whatever we have to support the most vulnerable members of our community. We are also trying to use the cash we have in the most responsible way,” ani Dominguez.
Aminado ang kalihim na “challenging year” ang taon na ito subalit kampante naman na makakabangon ang ekonomiya ng bansa pagsapit ng 2021.
Sa kanilang pagtatayan, inaasahan nila na papalo sa 7.1 hanggang 8.1 gross domestic product (GDP) growth rate sa susunod na taon.