-- Advertisements --

Maraming mga ekonomista ang naniniwalang lalago ng hanggang anim na porsiyento ang ekonomiya ng bansa ngayong taon.

Ito ay dahil sa hindi pa umano natatapos ang tinatawag na revenge spending ng mga Pilipino.

Ang nasabing forecast ay mas mababa pa sa target ng gobyerno na 6.5 hanggang 7.5 percent para sa 2024.

Nanawala din sila na darami ang bilang ng mga magkakatrabaho na siyang tutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.