Pinasinunaglinagn ng retiradong military officer at dating Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio na ang kaniyang grupong TNTrio at September Twenty-One Reform Movement ang nagpalutang sa destabilization rumors.
Ayon sa dating opisyalm wala sinuman mula sa 2 grupo ang nakipag-usap kay Armed Forces of the Philippines Chief of staff General Romeo Brawner kaugnay sa efforts para idestabilize ang administrasyong Marcos.
Saad ng opisyal na isinusulong lamang ng akniyan grupo ang electoral reforms sa gitna ng mga iregularidad na bumabalot sa nakalipas na 2022 national at local elections.
Sinabi din nito na itinataguyod ng kaniyang grupo ang legal na paraan para makamit ang kanilang mithiin kabilang ang paghahain ng petisyon na humihiling sa Korte Suprema para atasan ang Commission on Electiosn, mga telco at technology provider para ipreserba ang transmission logs ng 2022 elections.
Una ng nilinaw noong Sabado ni AFP chief Brawner na walang destabilization plot laban sa kasalukuyang adminsitrasyon subalit may nalaman itong rumors lamang ng umano’y destabilization efforts sa mga retiradong military officers.
Kaugnay nito, hinimok ni Rio ang AFP chief na pangalanan ang indibidwal na napaulat na nagpaalam sa kaniya ng destabilization rumor para linawin ang naturang isyu.