-- Advertisements --
Screenshot 2020 09 01 18 21 06 79

Maging ang isang dating mahistrado ng Supreme Court (SC) ay hiniling na rin sa dati niyang mga kasamahan sa Korte Suprema na huwag nang ituloy ang planong pagsasagawa ng oral arguments kaugnay ng kontrobersiyal na Anti Terror Law.

Sa kanyang statement, sinabi ni retired SC Justice Noel Tijam na posibleng maging walang kabuluhan ang oral arguments kapag ito ay rehash lamang mula sa kanilang pleadings.

Sinabi pa ni Tijam na incumbent member ng Judicial and Bar Council (JBC) na marunong naman daw magbasa ang High Court.

Dahil dito, magsasayang lamang umano ang mga mahistrado ng kanilang oras para pagdebatihan ang kanilang pananaw at ang language of the law.

Iginiit din ni Tijam na hindi proofreader ang SC sa mga unacceptable laws dahil sa kawalan ng actual case or controversy.

At dahil umano sa pagiging skilled lawyers at researchers, siguradong pamilyar o hindi na bago sa mga mahistrado ang argumento ng lahat ng mga petitioners maging ang counter-arguments ng Solicitor General at mga abogado ng mga respondent.

Ipinunto pa ni Tijam na dapat ay mayroon nang iprinisinta ang mga complainant na human rights violations kaugnay ng naturang batas para maging kapaki-pakinabang ang naturang oral argument.

“To make the oral arguments useful, petitioners must present empirical evidence and data that human rights violations against suspected terrorists were committed by numerous countries worldwide in the implementation and enforcement of similar anti-terrorism laws, or that the expansion of their government’s power were used to target particular anti government, religious, ethnic, and other social groups,” ani Tijam.

Una nang itinakda ng kataas-taasang hukuman ang oral argument sa mga petisyon laban sa mga naturang batas sa ikatlong linggo ngayong taon.