Nahalal bilang bagong sergeant-at-arms sa Senado si retired Lt. Gen. Roberto Ancan.
Mismong si Senator Ronald dela Rosa ang nag-nominate kay Ancan para sa nasabing posisyon.
Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, na si Ancan ang may pinakamataas na rangko sa mga retiradong military officer na maninilbihan sa nasabing posisyon.
Paliwanag naman ni Sen. Dela Rosa na kailangan ng Senado si Ancan na kayang protektahan ang 24 na senador na inihalal ng mga tao ganon din ang 1,436 na empleyado ng Senado at lahat ng mga bumibisita sa Senate maging Filipino man o hindi.
Pinuri pa ng senador ang retiradong sundalo at sinabing maraming mga accomplishments itong nagawa noong ito ay aktibo pa sa serbisyo.
Personal pa aniya nitong sinalo ang bala para sa kaniya mga nakasagupa sa Compostela Valley noong ang senador ay aktibo pa sa police service.