Matagumpay na nakumpleto ng Armed Forces of the Philippines ang rotation at resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal nitong Huwebes, Setyembre 26 nang walang pagharang mula sa mga barko ng China sa lugar.
Sa isang statement, sinabi ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na nasa 8 mga barko ng China ang namataan sa bisinidad ng shoal subalit hindi nagpakita ng banta ang mga ito sa resupply mission ng PH. Nagawa din aniyang makumpleto ito at napanatili ang presensiya sa Ayungin.
Sa ibinahaging video ng AFP, makikita ang MV Lapu-Lapu na papalapit sa BRP Sierra Madre sa kasagsagan ng resupply mission kahapon.
Matatandaan na nagkaroon ng bagong kasunduan o arrangement ang Pilipinas at China noong Hulyo para maiwasan ang tensiyon sa Ayungin shoal.