Ibinahagi ni Department of Justice Sec. Fredderick A. Vida na aabot na sa P611,381,500 ang halaga ng ‘restitution money’ ang narekober ng pamahalaan mula sa maanomalyang flood control projects.
Ayon sa kalihim, ito na ang sumatotal ng restitusyon sa kasalukuyan na siyang naipadala o ‘deposit’ na rin ng kagawaran sa Bureau of Treasury
Kaugnay aniya ito sa 24 na kaso kanilang tinutukan may kinalaman sa isyu ng korapsyon sa ‘infrastructure projects’ ng pamahalaan.
Anim rito ang siyang naihain na ng tuluyan bilang kaso, siyam ang inendorso sa Office of the Ombudsman, anim ang ‘submitted for resolution’, dalawang kaso naman ang nasa ‘preliminary investigation’, at isa ang kasalukuyang ‘pending’.
Ibinahagi ng kalihim ang nabanggit na impormasyon sa kanyang ‘SOJ’s First 100 Days Report’ ngayong araw.
















