Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na approved in principle na ang resolution para sa paglalagay ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue, Quezon City subalit may kunti lamang na babaguhin.
Ayon kay MMDA chief Carlo Dimayuga III ang mga revisions o pagbabagong gagawin ay layon na matugunan ang inconsistencies ng mga lane.
Bagamat pumayag naman na aniya ang lahat ng alkalde sa planong paglalagay ng motorcycle lane sa Commonmwealth.
Paliwanag pa ng MMDA official na sa oras na masimulan na ang motorcycle lane ay hindi na papayagan na mag-exit ang mga motorsiklo sa nasabing lanes habang bumabiyahe maliban na lamang kapag malapit sa intersection o papunta sa isang establishimento.
Ang mga lalabag dito na motorista at mga non-motorcycles na dadaan sa naturang lane ay mumultahan ng P500.
Ayon sa MMDA, ang motorcyce lane ay kukulayan ng asul at maglalagay din ng cat’s eyes o raod studs sa mga lanes.
Ito ay ilalagay sa ikatlong lane mula sa kanang bahagi ng Commonwealth kasunod ng lane para sa public utility vehicles na nakulayan ng dilaw at lane para sa bikes na nakulayan naman ng berde.
Sa oras na maisapinal na ang revisions, ipapatupad ito 15 araw matapos na mailathala sa pahayagan.
Samantala, target din ng MMDA na maglagay ng motorcycle lanes sa Edsa at Ortigas Avenues subalit ito ay pinag-aaralan pang maigi.