-- Advertisements --

Inihain nina House Majority Leader Mannix Dalipe, Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales at Deputy Speaker David Suarez ang Resolution of Both Houses No. 7 na layong amyendahan ang tatlong economic provision ng 1987 Constitution partikular ang Sections 12, 14 at 16.

Kahalintulad ito ng Resolution of Both Houses No. 6 na kasalukuyang tinatalakay ng Senado.

Ayon kay Senior Deputy Speaker Gonzales, layunin ng kanilang paghahain ng RBH 7 ay ipakita na kanilang sinusuportahan ang senado sa planong pag amyenda ng saligang batas.

Ayon kay Gonzales, ang naturang resolusyon ay halos kapareho ng bersiyon ng Senado sa isyu ng ownership of franchise (60-40), edukasyon (60-40) at advertising industry (70-30).

Ang porma ay sa pamamagitan ng Constituent Assembly at ipatutupad ang joint voting.

Sa resolusyon, sinabi ni Gonzales, bibigyan ng discretion ang Kongreso kung ia-adjust ang percentage of ownership sa Franchises, Educational Institutions at Advertising Industries.

Nilinaw ni Gonzales, walang probisyon sa resolusyon tungkol sa ano mang political amendments.

Ayon naman kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na ito ay paraan para maalis ang agam agam na nais nilang magpasok ng amyenda sa probisyong politikal.

Tulad ng sa senado, ito aniya ay nilalayong ayusin din ang problema sa inamyendahan nilang public service act na kinumwestyon ngayon sa korte suprema.

Suportado ito ng iba’t ibang political party leaders gaya ni NUP Party President at Camarines Sur Rep. Lray villafuerte.

Sinabi ni Villafuerte kung ikukumpara sa takbo ng senado, na may sub-committee pa bago i akyat sa mother committee at plenaryo, ay mas magiging mabilis ang usad kung mag committee of fhe whole sila.

Pagtiyak ni Villafuerte hindi ito ire rail road at gagamitin din ang mga resulta sa nagdaang hearing ng house committee on constitutional amendments kasama ang road show na isinagawa at mag iimbita pa rin ng mga resource persons.

Sabi naman ni Majority leader Mannix Dalipe, isa sa posibleng gawin nila ay mag constitute ng committee of the whole upang mas maging mabilis, ngunit exhaustive o masinsinan pa rin ang diskusyon.