Nakatakda umanong maglabas ang Department of Justice (DoJ) ng hiwalay na resolusyon sa administrative case laban sa mga opisyal na sangkot sa pastillas scheme.
Kasunod na rin ito ng pagsasampa ng kaso ng Office of the Ombudsman sa 43 immigration officers na sangkot sa modus.
Sinabi ni DoJ Secretary Menardo Guevarra na naglunsad din kasi ang Justice department ng parallel administrative investigation matapos ang fact-finding inquiry na isinagawa ng BI.
Ayon kay Guevarra ang mga respondents sa administrative complaint ay hindi pareho sa mga criminal complaint na isinumite ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Ombudsman.
Una rito, kinasuhan ng Office of the Ombudsman ang nasa 43 Bureau of immigration officials at staff na sangkot sa pastillas bribery scheme.
Ayon sa Ombudsman na dahil sa bribery scheme ng mga immigration personnel na nakatanggap umano ng pera para sa pagpasok ng mga Chinese nationals ng hindi dumaan sa regular at masusing profiling o screening processes na paglabag sa mga existing immigration rules at procedures na nakakasira sa gobeyrno at public interest.
Kabilang sa mga ipapatawag sa korte para sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ay sina dating deputy commissioner at dating head ng Port Operations Division Marc Red Mariñas at senior immigration officers Grifton Medina, Erwin Ortañez at Glenn Ford Comia. Nauna ng nagbitiw bilang POD chief noong 2019 si Mariñas para kumandidato.
Mayroon namang inirekomendang piyansa na P90,000 bawat isa para sa mga indicted na opisyal at staff ng BI.
Inihayag naman ni justice Secretary Menardo Guevarra na ang magkahiwalay na adminsitrative proceedings ay nanantiling pending subalit kanila itong reresolbahin sa lalong madaling panahon. aniya, ang mga respondents sa administrative complaints ay hindi pareho sa mga respondets sa criminal complaint na isinumite ng NBI sa Office of the Ombudsman.
Kung magugunita, naging kontrobersyal ang pastillas scam matapos na madiskubre na nasa P10,000 ang kinolekta mula sa 143 Chinese nationals para hindi sumailalim sa immigration checks sa NAIA kung saan ang pera ay nakabalot sa isang pael na parang pastillas.