
Welcome sa Philippine National Police ang resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na hindi na paimbestigahan ang Pilipinas dahil umano sa mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Ysmael Yu, itinuturing nilang pagkilala ng UNHRC sa mga inisyatibo ng Pilipinas na tugunan ang mga alegasyon ng human rights abuse sa drug war ng pamahalaan.
Nilinaw din ni Col. Yu na ang resolusyon ay hindi dahilan para magdiwang ang PNP, at sa halip ay kinukunsidera nila ito bilang “points to ponder” sa mga kailangang gawin ng mga pulis.
Sinabi pa ni Yu na ang isinusulong sa panukala na “technical cooperation and capacity-building for the promotion and protection of human rights in the Philippines” ay magbibigay ng pagkakataon sa PNP na mas lalu pang isulong ang kanilang adbokasiya sa pagtataguyod ng karapatang pantao sa kanilang mga operasyon.
Siniguro rin ni Yu na mas lalong palalakasin ng PNP ang kanilang commitment sa pagtataguyod ng “Rule of law” sa istriktong pagsunod sa “Police Operational Procedures” at “Rules of engagement”.
















