-- Advertisements --

Pinagtibay ng House Committee on Youth and Sports ang resolusyon na humihimok sa national government na gawing prayoridad din ang pagbakuna kontra COVID-19 sa mga Pilipinong atleta na sasabak sa Tokyo Olympics at 2021 SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Isabela Rep. Faustino Michael Dy III, chairman ng komite, na ang mga atleta na sasali sa international sports competitions ay kung maari ay maisama rin sa inoculation program ng pamahalaan.

Noong Enero nang inihain ni Deputy Speaker Mikee Romero ang House Resolution 1507 na humihimok sa IATF at iba pang ahensya na i-classify bilang “frontliners” ang mga atleta para sila ay maisama rin sa prayoridad sa vaccination prorgam ng pamahalaan.

Sinabi ni Romero sa kanyang resolusyon na sasailalim ang mga national athletes sa iba’t ibang qualifying stages ng Tokyo Olympics at SEA Games sa Abril at Mayo ng taong kasalukuyan.