-- Advertisements --

Naghain si Senator Richard Gordon ng resolusyon na kumikilala kay outgoing Korean Ambassador Han Dong-Man para sa kaniyang mga naging kontribusyon nito upang patatagin ang bilateral ties at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Korea.

Sa Senate Resolution No. 586, binigyang-diin ng senador na karapat-dapat kilalanin si Dong-Man sa kontribusyon nito bilang envoy sa Pilipinas na nagdala ng magandang kinabukasan sa relasyon ng dalawang bansa.

Ayon pa kay Gordon, noong bumisita si Han sa Pilipinas ay siya pa mismo ang nanguna para makakuha ng Korean investments para sa mga proyekto sa bansa tulad ng Malolos-Clark Railway Project, Metro Rail Transit Line 7, at Jalaur Dam sa Calinog, Iloilo.

Pinangunahan din nito ang pagbibigay ng $1 billion soft loan sa Pilipinas upang pondohan ang iba’t ibang infrastructure projects hanggang 2022.

Sa ilalim din ng pamumuno ni Han ay walang humpay ang tulong ng Korean Embassy sa bansa. Tulad na lamang ng tulong pinansyal, equipments, supplies at kung ano-ano pa, na ipinamahagi naman sa sambayanan sa pamamagitan ng Philippine Red Cross.

Partikular na rito ang mga nabiktima ng kalamidad tulad ng bagyong Rolly, Ulysses, Ompong, pagputok ng Taal at Mayon volcano, gayundin ang mga nangyaring lindol sa Mindanao.

Dagdag pa nit, kahit pa raw may hinaharap na pandemya ang buong mundo, ay hindi nagpabaya si Han na tuparin ang kaniyang tungkulin. Kamakailan loamang ay nagbigay ito ng $100 million para dagdagan ang COVID-19 response ng