-- Advertisements --

LEGAZI CITY – Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay sa pangunguna ni 2nd District Board Member Atty. Melissa Abadeza ang resolusyon na nagsasabing bigyan ng grado at ipasa ang lahat ng mga estudyante sa mga State Universities and Colleges sa lalawigan ng Albay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Abadeza, sinabi nito na hiling nila sa bawat paaralan ng lalawigan na ipasa na sa 2nd Semester ngayong taon ang mga estudyante bilang konsiderasyon sa gitna ng COVID-19 crisis.

Karamihan kasi aniya sa mga mag-aaral sa Unibersidad walang sapat na internet kagamitan para makasunod sa online class at makapag-sumite ng mga kinakailangang requirements.

Inihalimbawa nito ang mga estudyante na nasa malalayo o liblib na lugar.

Naniniwala rin ito na kung magkakaisa ang mga estudyante at magulang sa naturang resoluson posible itong ikonsidera ng mga paaralan sa lalawigan.

Subalit nilinaw ni Abadeza, na hindi obigado ang mga pamunuan ng paaralan na ipasa ang mga estudyante kundi desisyon pa rin ng mga guro kun tatanggapin ang inilabas na resolusyon.