-- Advertisements --

Nakatakdang ipatupad ng Bureau of Immigration (BI) ang resolusyon ng Inter-Agency Council for the Management of Emerging Infections Diseases (IATF) kaugnay nang pag-update sa listahan ng red, yellow at green countries.

Ang naturang resolusyon ay aprubado ng Malacañang at kinabibilangan ito ng mga bansang pinapayagan at hindi pinapayagang makapasok sa Pilipinas hanggang Oktubre 15.

Ang Bermuda ang natatanging bansa na nasa Red list at ang 49 na bansa naman ay nasa Green list.

Ang bansang nasa greenlist ay kinabibilangan ng American Samoa, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China (mainland), Comoros, Republic of the Congo, Djibouti, Falkland Islands (Malvinas), Hungary, Madagascar, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat, New Zealand, Niger, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Pierre and Miquelon, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Algeria, Bhutan, Cook Islands, Eritrea, Kiribati, Marshall Islands, Nauru, Nicaragua, Niue, North Korea, Saint Helena, Samoa, Solomon Islands, Sudan, Syria, Tajikistan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Uzbekistan, Vanuatu at Yemen.

Base sa resolusyon, ang lahat ng mga bansang hindi nakalista sa Green at Red list ay nasa Yellow list.

Ipinaliwanag naman ni BI Commissioner Jaime Morente ang pagkakaiba ng tatlong classifications.

Ang mga bansang galing sa Green at Yellow countries, kung bahagi ng tinatawag na “allowable classes,” ay puwedeng pumasok sa bansa.

Pero kailangan pa rin nilang dumaan sa quarantine at testing protocols na ipinatutupad ng Bureau of Quarantine (BOQ).

Nilinaw ni Morente na ang mga banyagang galing sa green at yellow lists ay hindi rin kaagad makakapasok ng bansa.

Ito ay dahil epektibo pa rin umano ang general travel restrictions.

Ang mga Pinoy, balikbayan at mga banyagang may valid at existing visas na galing sa mga bansang nasa ilalim ng green o yellow list ang puwedeng pumasok sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan din restrictions hindi pa rin pinapayagan ang pagpasok ng mga foren tourists sa bansa.