-- Advertisements --

Pinagtibay ng Houes Committee on Senior Citizens ang resolusyon na humihimok sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibigay na ang buwanang social pension ng mga indigent senior citizens kada tatlong buwan kaysa sa kasalukuyan na anim na buwan.

Mabilis na inaprubahan ng komite nitong umaga ang resolusyon na iniakda ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez dahil wala nang diskusyon na nangyari bunsod nang hindi pagsipot ng kinatawan mula sa central office ng DSWD.

Ayon sa committee secretary, mayroon silang inimbitahan na representative mula sa central office subalit hindi naman aniya sila nakatanggap ng sagot mula sa kagawaran.

Ikinainis ito ni Deputy Speaker Lito Atienza, dahilan kung bakit siya nag-mosyon para aprubahan ang naturang resolusyon.

Sa ilalim ng resolusyon, hinimok ni Rodriguez ang DSWD na i-release ang P500 monthly social pension ng mga indigent senior citizens ng kada anim na buwan na lamang o P3,000 kada semester.