Arestado ang isang indibidwal,matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operations ng Marawi City Police Station kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon sa may Barangay Saduc.

Kinilala ni PRO-ARMM Spokesperson PSInsp. Jemar Delos Santos ang suspek na si Junaid Maruhom, 32-anyos.

Nakuha sa posisyon ni Maruhom ang anim na maliit na heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu at P500.00
marked money.

Kasalukuyang nakakulong sa Marawi City Police Office ang nasabing drug suspek.

Kasong paglabag sa iligal na droga ang kasong kahaharapin ni Maruhom.

Sa kabilang dako, pinatitiyak naman ni PRO-ARMM regional Police Director, CSupt. Graciano Mijares sa ibat ibang city and provincial police directors sa buong rehiyon para palakasin ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.