-- Advertisements --
PDRRMO M1

Naghahanda ang mga residente at pamahalaang panlalawigan ng Cagayan at Isabela sa posibleng pananalasa ng Bagyong Goring.

Binabantayan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang sampung munisipalidad sa Cagayan dahil sa panganib ng flash flood, landslide, at storm surge.

Nagtalaga ang PDRRMO ng mga rescue personnel na handang magpatupad ng forced evacuations.

Mahigit 10,000 food packs ang handa na rin para ipamahagi.

Samantala, pinayuhan naman ang mga residente ng Batanes at mga tanggapan ng gobyerno na i-secure ang kanilang mga bubong.