-- Advertisements --
Bumaba pa ang reserbang dolyar ng Pilipinas noong buwan ng Hunyo matapos na i-withdraw ng pamahalaan ang nakadepositong dolyar para mabayaran ang mga pagkakautang nito.
Base sa inilabas na datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang gross international reserves (GIR) ng bansa na nagkakahalaga ng $99.8 billion noong Hunyo ay bumaba mula sa $100.6 billion GIR level noong Mayo.
Indikasyon aniya ito ng kakayahan ng pamahalaan na mabayaran ang import payments at service foreign debt.
Ito na ang pinakamababang gross international reserves ng pamahalaan sa loob ng apat na buwan simula noong Pebrero na mayroong $98.216 billion reserbang dolyar.