OTTAWA, Canada – Pinag-aaralan ngayon ng ilang researchers sa Canada ang posibilidad na maging treatment din sa COVID-19 ang prutas na acai berry.
May mga pag-aaral na raw kasi dati ukol sa pagiging epektibo ng nasabing prutas bilang inflammation inhibitor o humaharang sa paglala pa ng sakit.
Dahil dito naniniwala ang scientists na sina Michael Farkouh and Ana Andreazza ng University of Toronto na posible ring mapigilan ng acai berry ang paglala ng coronavirus sa katawan ng isang pasyente.
“It’s a long shot. But acai berries are cheap and easily accessible for everyone, as well as safe, so it was worth trying,” ani Farkouh na halos limang taon nang pinag-aaralan ang epekto ng acai berry sa mga sakit.
Lumakad na ang trials ng acai berry sa 580 confirmed patients ng COVID-19 sa Canada at Brazil, kung saan kilalang tumutubo ang nasabing prutas.
Sa pagtatapos naman ng 2020 inaasahang lalabas ang resulta ng 30-araw na pag-aaral.
Ilan sa inaasahan ng dalawang scientist na magiging resulta ng kanilang study ay mapigilan ng acai berry ang paglala ng COVID-19 symptoms ng mga pasyente.(AFP)