-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga rescuers sa 20 katao na naiulat na nawawala dahil sa malawakang landslide sa Manipur, India.
Mula pa kasi noong nakaraang mga araw ay aabot na sa mahigit 40 katao ang nasawi ng matabunan ng lupa ang ginagawang riles sa lugar.
Mayroon na ring 18 mga katao ang kanilang nailigtas matapos matabunan.
Karamihang sa mga biktima ay mga manggagawa sa nasabing ginagawang riles.
Dahil na rin sa malalakas na pag-ulan ay binaha ang malaking bahagi ng mga rehiyon ng Assam, Manipur, Meghalaya at Tripur.