-- Advertisements --

Binabalkangkas na ang grupo mula sa Pilipinas na tutulak patungong Turkey para tumulong sa mga biktima ng 7.8 magnitude na lindol doon.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 85-man team ay kinabibilangan ng mga engineer at healthworkers.

Tutulong aniya ang mga ito sa pag-inspeksyon ng mga gusali lalo’t patuloy pa ang nararanasang mga aftershocks, habang ang medical team ay aalalay sa mga nasaktan sa sakuna.

Sabi ng Pangulo, isasabay sa pag-alis ng grupo ang mga gamit na kailangan ng mga biktima ng lindol gaya ng mga kumot at damit.

Nag-commit naman aniya ang isang Turkish airline company na sila ang maghahatid sa team gayundin sa mga kagamitan at goods na bitbit ng mga ito.

Bukas ng gabi inaasahang bibiyahe ang grupo patungong Ankara, Turkey.