-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni dating AnaKalusugan party-list Rep. Mike Defensor na may kapalit o pabor na hiningi kaugnay ng donasyong ibinigay niya sa kampanya ni Sen. Rodante Marcoleta noong 2025 midterm elections.

Ayon kay Defensor, hindi maaaring maituring na plunder ang naturang campaign donation dahil wala umanong ninakaw na pondo ng gobyerno at wala ring kapalit na transaksyon o pabor na napagkasunduan.

Giit niya, na-dismiss na rin umano ng Commission on Elections (Comelec) ang isyu hinggil sa donasyon.

Nahaharap sina Marcoleta, Defensor, at dalawa pang indibidwal sa reklamong plunder at indirect bribery na isinampa ng Ombudsman prosecutors kaugnay ng umano’y P75-milyong campaign donation. Nitong Martes, naglabas din ang Sandiganbayan Seventh Division ng precautionary hold departure order laban sa mga respondent upang hindi makaalis ng bansa habang dinidinig ang kaso. (report by Bombo Jai)