-- Advertisements --
Hindi na tatakbo sa susunod na halalan si Utah Republican Senator Mitt Romney.
Nanawagan ito ng mga bagong henerasyo ng mga lider.
Kasabay ng pag-anunsiyo ng kaniyang pag-atras sa pulitika ay binatikos niya sina US President Joe Biden at Ex-Pres.Donald Trump na mahigpit na magkatunggali sa 2024 election.
Ang kaniyang pag-atras ay ang pagkawala na rin ng kilalang boses mula sa Senado.
Si Romney ay naging 2012 Republican nominee na maging pangulo ng US.
Noong 2020 ay hinatulan ni Romney sa senado si Trump bilang guilty dahil sa pang-aabuso sa kaniyang puwesto.