-- Advertisements --
image 524

Inaasahang sisimulan na sa susunod na linggo ang repatriation sa mga Pilipino mula sa Lebanon na naiipit sa sigalot sa pagitan ng militanteng Hezbollah sa Lebanon at Israel forces.

Ayon kay Migrant Workers OIC Hans Leo Cacdac, bagamat wala pang target na specific date para sa repatriation kanila ng inaasikaso ang repatriation flights sa lalong madaling panahon.

Tinatrabaho na rin ang pag-repatriate sa iba pang mga Pinoy sa Lebanon sa mga susunod na linggo.

Ayon kay Cacdac, nasa 124 OFWs na ang humiling ng repatriation.

Sa kasalukuyan, nakataas sa Alert level 3 ang crisis alert sa Lebanon sa gitna ng umiigting pa na tension sa border sa pagitan ng Israel at islamist group na Hezbollah. Nangangahulugan ito ng mandatroyong paglikas ng mga Pilipino na nasa Lebanon.