-- Advertisements --
image 213

Boluntaryo na lamang ang repatriation para sa mga Pilipino sa Libya matapos ibinaba ng gobyerno ng Pilipinas sa alert level 3 ang crisis alert sa ilang bahagi ng naturang bansa.

Matatandaan kasi na noong 2009, inilagay sa alert level 4 o mandatory repatriation ang ilang lugar sa Libya habang ang mga lugar na nasa loob ng 100 kilometer radius ay nasa alert level 2 o restricted phase.

Sa pagsasagawa ng naturang desisyon, naobserbahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bagamat nananatili pa ring delikado ang political at security conditions sa pagitan east at west sa Libya, mayroon naman aniyang significant improvements sa bansa sa loob ng nakalipas na apat na taon.

Ibig sabihin hindi na aniya malawakan ang kaguluhan sa kabilang bansa sa halip ay localized na lamang.

Sa kasalukuyan, mayroong 2,300 overseas filipino workers ang nasa Libya na itinuturing ang bansa na ligtas at walang panganib.