Naghain ng isang House Resolution si Deputy Speaker and Las Pinas Rep. Camille Villar na naghihikayat sa gobyerno na magsagawa ng malaliman at komprehensibong pag-aaral kaugnay sa estado ng mental health ng mga estudyante.
Ito ay may kaugnayan sa pagbaba ng kalagayan sa kalusugan ng isip o mental health na pinalala sa panahon ng pandemya.
Nakapaloob sa House Resolution No. 900 na inihain ni Rep. Villar, hinimok nito ang mga concerned at relevant government agencies na panahon para makialam kasunod ng mga pag-aaral at mga ulat na ang pagpapakamatay sa mga mag-aaral ay tumataas.
“There is a need to conduct an in-depth assessment of and comprehensive study by relevant government agencies—such as the Department of Health, Department of Education and the Philippine Statistics Authority—on the present state of mental health of the country’s education sector in particular and the overall population in general to address immediate needs in a bid to establish more mental health units in schools, hospitals, or rural health units, among other measures,” punto ni Congresswoman Villar.
Naniniwala ang lady solon na panahon na para maging proactive at i-promote ang mental health at well-being para maiwasan ang anumang mental health disorders, at pagbutihin ang pangkalahatang pag-access sa kalusugan ng isip at mga serbisyo ng therapist sa mga paaralan at komunidad upang matugunan ang maliwanag na krisis sa kalusugan ng isip sa sektor ng edukasyon.
Ayon sa mambabatas, nakababahala ang mga natuklasan ng Department of Education kung saan mahigit 400 cases ng suicide ang naitala nuong sng nagpapatiwakal ang nangyari noong taong 2021-2022 academic year.
Batay sa datos, sa 28 milyong kabataang nag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa bansa, may kabuuang 775,962 ang humingi ng tulong sa mga guidance counselor sa nasabing panahon at nasa humigit-kumulang 8,000 sa cases na ito ay may kinalaman sa bullying.
Sa isinagawang pananaliksik ng University of the Philippines Population Institute ay nagpahiwatig na halos 1.5 milyong kabataang Pilipino ang nagtangkang magpakamatay ng sarili noong 2021, kumpara sa 574,000 kabataan na sinubukang wakasan ang kanilang buhay sa isang pag-aaral noong 2013.
“The collective health of citizens greatly affects the success of their overall socio-economic development, as well as their access to education and other basic services,” pahayag ni Congresswoman Villar.