-- Advertisements --

Inanunsiyo ni veteran PBA center na si Rafi Reavis ang kaniyang pagreretiro sa paglalaro matapos ang 23-taon.

Inanunsiyo ng Magnolia Hotshots sa kanilang social media page ang pagreretiro ni Reavis.

Pinasalamatan ng koponan si Reavis dahil sa naging bahagi siya sa koponan.

Kabilang si Reavis na nagwagi ng 11 PBA championships at three-time All-Star player.

Siya ang naging second overall pick ng Coca-Cola Tigers noong 2002 PBA Draft kung saan naglaro siya ng apat na seasons doon at nakakuha ng ilang titulo.

Nagwagi siya ng pitong kampeonato sa Purefoods kabilang ang kakaibang Grand Slam noong 2014.