-- Advertisements --

Hinamon Marinduque Rep. Lord Allan Velasco si Speaker Alan Peter Cayetano na ipakita niya ang kaniyang pagkakaroon ng palabra-de-honor.

Ito ay kasunod ng “gentleman’s agreement” ng dalawa tungkol sa term-sharing sa pagiging speaker.

Malinaw aniya ang nasabing usapin kung saan namagitan pa dito ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang social media post, sinabi nito na dapat tuparin ni Cayetano ang magandang usapan dahil ito ay nakabase sa pagtitiwala ng dalawang partido.

Nakatakda namang ipatawag ni Pangulong Duterte ang dalawa para pag-usapan ang nasabing gusot.