-- Advertisements --

Hinimok ngayon ni House Ways and Means Chair at Albay Representative Joey Sarte Salceda ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na mag-isyu na ng mga kaukulang tuntunin at regulasyon sa VAT-related concerns para sa mga registered business enterprises.

Sinabi ni Salceda, kaniyang hiniling kay BIR Commissioner Romeo Lumagui na maglabas ng malinaw at smaller negative list sa VAT zero-rating para sa mga registered exporters.

Magugunita na nagbigay na ng direktiba si Finance Secretary Benjamin Diokno sa BIR na ilabas ang rules and regulations partikular sa VAT zero-rating.

Iginiit naman ni Salceda na ang layunin ng Kongreso sa transitory period para sa mga tatanggap ng 5% on gross income earned (GIE) incentive bilang kapalit ng lahat ng buwis ay dapat igalang at ipakita sa patakaran.

Inihayag ng House tax chief na binabalak niyang sulatan si Sec Diokno para bigyang-diin ang intent at interpretation ng Congress kaugnay sa nasabing batas.

Punto ni Salceda kaniyang iniiwasan ang senaryo na ang korte ang magdesisyon hinggil sa nasabing asunto.

Dagdag pa ni Salceda na ang VAT refund system ay nag-iiwan ng maraming desire.

Ito’y pagkatapos ang limang taon na pagsasabatas sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, na nangangako ng matagumpay na pagtatatag at pagpapatupad ng isang pinahusay na sistema ng refund ng VAT sa ilalim ng Seksyon 31 ng batas.