-- Advertisements --

Hinikayat ni Cagayan De Oro Cong. Rufus Rodriguez si Department of National Defense Sec. Gibo Teodoro na irekonsidera ang muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan kasama ang mga miyembro ng CPP-NPA-NDF.

Ginawa ng mambabatas ang nasabing apela kasunod na rin nang naunang statement ni Sec Teodoro na hindi na nito nais pang magkaroon ng negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo.

Ayon sa Kongresista, kung totoo mang bumababa na ang bilang ng mga miyembro ng NPA ay mas obligado ang pamahalaan na makipag-negosasyon sa mga ito.

Ang isang buhay na makayang iligtas ng pamahalaan aniya ay sapat nang kapalit ng sakripisyo ng pamahalaan.

Paliwanag ng kongresista na kailangan lamang maipaunawa at maipakita na may magandang maidudulot ang pagtalikod ng mga rebelde sa kanilang inanibang grupo.