Reading Time: 1 minute

CAUAYAN CITY – Iprinoklama na ng Provincial Board of Canvassers (PBOC) ang mga nahalal na opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan at mga kongresista ng anim na distrito ng Isabela.

Unang iprinoklama ng PBOC si incumbent Congressman Rodito Albano bilang bagong gobernador ng Isabela.

Si incumbent Governor Faustino “Bojie” Dy III naman ay iprinoklamang bagong bise gobernador matapos talunin si dating Lady Governor at dating Comelec Commissioner Grace Padaca.