Nagsimula na ang serye ng mga public service events bilang bahagi ng selebrasyon ng kaarawan ni Congresswoman Florida “Rida” Robes.
Mismong ang kongresista ng lone district ng San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan kasama ang kanyang team sa nanguna para pasinayaan ang naturang mga aktibidad.
Ang mga aktibidad ay paraaan ni Robes para magpasalamat sa patuloy na pagtitiwala at suporta na ibinibigay sa kanya ng mamamayan ng SJDM, Bulacan.
Mayorya sa mga aktibidad para sa three-day thanksgiving project na nagsimula araw ng Huwebes, June 25 at magtatapos araw ng Sabado, June 27.
Ginaganap ang naturang mga aktibidad sa SJDM Sports complex sa Barangay Minuyan proper.
Mahigpit namang ipinatutupad ang social distancing protocols sa gitna nang COVID-19 public health crisis.
Araw ng Huwebes, June 25 nagsimula ang aktibidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga medisina.
Sinundan naman ito ng meeting ng kongresista sa mga Persons with disabilities (PWDs) sa lungsod at prayer session.
Pinangunahan din ni Robes ang pamamahagi ng gift pack na naglalaman ng assorted groceries na nakalagay sa reusable plastic pail o “timba.”
Dahil dito ang aktibidad ay tinawag na “Timba Pa More Para sa Taga-Lungsod.”
Ang mga dumalo ay pawang nakasuot ng facemask at sumusunod sa social distancing.
Ngayong araw ng Biyernes, June 26, ikalawang araw ng selebrasyon ng kaarawan ng kongresista ay mamamahagi si Robes ng on the financial aid sa mga kapos-palad na residente sa ilalim ng “Dagdag Ayuda” program.
Pagkatapos nito siya ay makikipagpulong sa grupo ng lady tricycle drivers.
Ito ay gaganapin din sa SJDM Sports Complex.
Pang huli, sa araw ng Sabado, dadalhin naman ni Rep. Robes ang kanyang “Kusina ni Ate Rida” para pakainin ang mga residente sa 59 na barangays.
“More than being consistent with my role as a public servant, I wanted to spread happiness among San Joseños whose lives have been drastically changed by the pandemic. It’s just a small gesture from me to hopefully assure them that I am working very hard to make sure that each and every person will be taken care of. Like I always say, ‘Nobody will be left behind in SJDM.’ This has made my birthday celebration more meaningful,” ani Robes nang tanungin kung bakit pinili niya ang matrabahog aktibidad sa halip na simple lamang na ipagdiwang ang kanyang kaarawan.