-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang kapatid na si 1st District Rep. Paulo Duterte.

cropped Paolo Duterte

Ayon sa alkalde, kaninang umaga lang ng Lunes nalaman niya na nahawa sa virus ang kanyang kapatid base na rin sa resulta ng COVID-19 test na isinagawa sa kanya.

Sa ngayon, hindi pa makakapagbigay ang alkalde ng karagdagang impormasyon hinggil sa kalagayan ng kanyang kapatid.

Kung maalala, una na rin na nagpositibo noon ang isa pa nilang kapatid na si Vice Mayor Baste Duterte, na nakaranas naman ng mild symptoms.