-- Advertisements --
Hindi nabigyan ng posisyon si Deputy Speaker Paolo Duterte sa kakatapos lamang na eleksyon ng National Unity Party (NUP).
Ito ay kahit pa sinabi kahapon ni Deputy Speaker Robbie Puno sa isang pulong balitaan sa Kamara na maraming kongresista ang nais na mabigyan ng posisyon si Duterte sa kanilang partido.
Subalit wala namang nakikitang problema si Isabela Rep. Tonipet Albano sa ‘di pagkakasama ni Duterte sa line up ng mga nahalal na bagong opisyal ng NUP sapagkat isa lamang itong adopted member ng partido.
Sa naganap na eleksyon, nahalal si Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., bilang presidente ng partido na dating hawak ni Capiz Rep. Fred Castro.
Samantala, si dating Interior Sec. Ronaldo Puno pa rin naman ang siyang chairman ng NUP.