-- Advertisements --
Umapela si Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos sa publiko na habaan ng kaunti ang pasensiya sa pagpaparehsitro ng kanilang mga SIM Card sa SIM Registration Law.
Sinabi ni Marcos nangako naman na ang mga telecommunications company na isasa-ayos ang kanilang sistema upang ma-accommodate ang malaking bulto ng subscribers na nagpaparehistro.
Dagdag pa ng presidential son na isa rin sa main author ng batas, binibigyan ng 180 days o anim na buwan ang mobile users na irehesitro ang kanilang mga SIM Card kaya’t may panahon pa para maayos ang sistema ng registration.










