-- Advertisements --

Lubos na nagpasalamat si Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar 1st District Representative Paul Daza kay dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo sa paghahanap ng dagdag na pondo na nagkakahalaga ng P500 million para sa nasa 10,000 to 12,000 scholars ng Commission on Higher Education para sa Academic Year 2023-24.

Sa interpelasyon ni Daza kaniyang ibinahagi sa mga kapwa mambabatas ang naging bahagi ng dating Pangulo na tumulong para makakuha ng dagdag na pondo para sa mga iskolars ng CHED.

Siniguro ni Daza na gagamitin at ilalaan ang nasabing pondo para sa mahihirap, karapat-dapat na mga mag-aaral na nasa Listahan.

Tanong naman ni Cong. Daza sa committee sponsor na si Representative Janette Garin, kung makatitiyak ang mambabatas na ang plano na gamitin ang ilang past under-utilized budget para sa scholarships na subject sa approval ng DBM ay magiging posible para sa susunod na buwan.

Tugon naman ni Rep. Garin na ang CHED ay nagbigay ng katiyakan na aabot sa P400 milyon mula sa appropriations ay maaaring makuha at magamit.

Sinabi pa ni Daza ang halagang dapat gawin ay P500 milyon at hindi P400 milyon.

Binigyang-diin pa ni Congressman Daza ang available funds na natukoy sa tulong ni Senior Deputy Speaker Arroyo ay mula sa coninuing appropriations at sinabing ang mga kinatawan ay magsusumikap sa pagkakaroon ng nasabing pondo ng sa gayon makakapag-aral ang hindi bababa sa 10,000 hanggang 12, 000 mahihirap na estudyante sa susunod na taon.

“As lawmakers we must exercise due diligence to maximize all available resources, especially for something as vital as education. I know our Deputy Speaker and former President GMA shares this sentiment. Together we await the CHED in filing a request with the DBM so these funds may be allocated and utilized by our students,” pahayag ni Daza.