-- Advertisements --

Binati ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar 1st District ang mga bar passers at maging ang Supreme Court sa kanilang patuloy na reporma kabilang ang digitalization sa bar examination.

Sa isang pahayag sinabi ni Congressman Daza na mayruong ng improvement sa passing rate ng bar exam na sana ay magsisilbi itong motivation para sa iba pang professional licensure boards na magpatupad na rin ng digital and inclusive approach sa kanilang mga examinations.

“I hope that these positive developments encourage the Professional Regulation Commission (PRC) to ramp-up the modernization of other licensure exams,” pahayag ni Cong. Daza.

Naniniwala si Congressman Daza na sa pamamagitan ng digitalization at modernization licensure processes, mas lalong makapag produce ang bansa ng mga competitive professionals.

Magugunita na hinimok ng mambabatas ang gobyerno na maghanap ng solusyon sa lumalalang problema sa nurses na pinili pang magtrabaho sa abroad na naging resulta sa kakulangan ng mga nurses sa bansa.

Iminumungkahi din ni Daza sa Commission on Higher Education (CHED), PRC, at ang Board of Nursing na rebyuhin ang mga kakulangan o flaws sa licensure framework na maituturing na kumplikado, kaya panahon na para magkaroon ng “system overhaul.”

Bukod sa mga nurse, mataas din ang demand para sa iba pang professionals gaya ng accountants, doktor at agriculturists.

“Let us, by all means, continue to raise the standard for Filipino skills—but let’s not compromise when it comes to being inclusive. We are stewards of the next generation of Filipino talent. We must empower all those who seek to be professionals and serve our country, regardless of social status or physical condition,” pahayag ni Rep. Daza.