Tiniyak ni Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co na siya ring Pangulo ng Partylist Coalition Foundation Inc. ang kanilang suporta sa House Resolution No. 1562 na sumusuporta kay Speaker Martin Romualdez mula sa banat ng Senado at panatilihin ang integridad ng Kamara.
Magugunita na nitong Lunes, pinagtibay ng House of Representatives ang House Resolution na sumusuporta kay Speaker.
Si Senior Deputy Speaker Aurelio Dong Gonzales ang nag sponsor ng nasabing resolusyon.
Kinukunsidera kasi ng mga Kongresista ang aksiyon ng Senado na isang paglabag sa principle ng interparliamentary courtesy sa pagitan ng dalawang kapulungan.
” As the President of the Partylist Coalition Foundation Inc. and Chairman of Ako Bicol Party List, I affirm my support for House Resolution (HR) No. 1562, through which I and my fellow House members stand in the defense of Speaker Ferdinand Martin Romualdez, safeguarding the dignity and respect of the House against what is described as an “intense assault” by the Senate,” pahayag ni Rep. Co.
Dagdag pa ni Co ang kaniyang commitment na suportahan si Speaker Romualdez ay hindi matitinag at buong puso.
” My commitment to support Speaker Martin Romualdez is unwavering, buong puso ang aking suporta sa kanyang liderato,” wika ni Co.