Nadagdaga sa listahan ng mga nagpositibo sa COVID-19 si Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.

Kinumpirma ito ni House Secretary General Jose Luis Montales.

Wala namang ibinigay na iba pang detalye si Montales hinggil sa kalagayan ngayon ni Brosas.

Sa mga nakalipas na araw, aktibo pang nakikibahagi online si Brosas sa mga pagdinig ng Kamara sa budget ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa susunod na taon.