-- Advertisements --

sibuyas 1

Ikinagalit ni Cavite Representative Elpidio Barzaga and hindi pagdalo ng kontrobersiyal na negosyante na binansagang “Sibuyas Queen” na si Lilia “Leah” Cruz sa nagpapatuloy ng “motu pro prio inquiry” ng House Committee on Agriculture and Food kaugnay sa isyu ng “hoarding” at price manipulation sa agricultual products partikular ang sibyas at bawang.

Binigyang-diin naman ni Quezon Rep. Mark Enverga na siyang chair ng Komite ang pangangailangan na malaman ang tunay na estado ng industriya ng sibuyas sa ating bansa.

Matatandaan na sa mga nakalipas na pagdinig, present at naggisa ng mga kongresista ang negosyanteng si Cruz, kung saan nabulgar ang ilang “modus” sa supply ng sibuyas.

Ikinadismaya naman ng mga mambabatas ang hindi pagdalo ni Cruz ngayong araw.

Paliwanag ni Atty. Kenneth Brian Tegio , legal counsel ni Cruz, may “prior commitment” daw kasi ang kanyang kliyente.

Sa pagtatanong ni Cong. Barzaga, sinabi nito na ang isinagawang pagdinig ay “in aid of legislation” at ang commitment daw ba ni Cruz ay mas importante pa sa hearing.

Tugon naman ni Atty. Tegio, bago pa makuha ang “notice” mula sa komite ay may skedyul na umano si Cruz para bumisita sa ilang mga magsasaka at kailangan na bumiyahe sa probinsya.

Dahil dito nais ni Barzaga ng detalye kaugnay sa pulong ni Cruz ahil ayaw umano ng Kamara ng “lame excuses.”

Sa kabila ng dalawang pagkakataon na ibinigay ng House Committee on Agriculture and Food kay Leah Cruz, bigo itong ipagbigay alam sa Komite ang kanyang lokasyon at dahilan ng pagliban sa pagdalo sa imbestigasyon.

Pinagsusumite rin ng mambabatas si Cruz ng paliwanag kung bakit hindi ito dapat i-contempt ng Komite.