Reading Time: 1 minute
ex speaker pantaleon alvarez
Former House Speaker Pantaleon Alvarez

DAVAO CITY – Nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa mga botante ng Davao del Norte si dating House Speaker Pantaleon Alvarez matapos na manguna ito sa bilangan bilang gobernador sa nasabing lalawigan.

Kung maaalala nakakuha si Alvarez ng PDP-Laban ng 163,977 votes sa huling bilang laban kay Anthony “AGR” del Rosario na mula naman sa Hugpong ng Pagbabago na may 68,193 vote.

Ngunit kahit na nangunguna sa bilangan si Alvarez hindi pa rin ito naiproklama dahil may mga CF cards mula sa ibang lugar ng lalawigan ang hindi pa natatanggap ng local Comelec.

Maliban sa dating House speaker, nanalo rin ang kanyang ka-tandem na si Edwin Jubahib laban kay Rodney del Rosario, Jr.

Samantala sinabi naman ng mambabatas na nakahanda siyang harapin ang kaso na isinampa laban sa kanya.

Hindi rin niya isinantabi ang posibilidad na humirit na mabalik bilang House speaker sa darating na mga panahon.