-- Advertisements --

Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) na maaari na muling bilhin ng publiko ang sikat na liver spread brand na Reno matapos gawaran ng kinakailangang dokumento.

Sa isang panayam sinabi ni FDA direcor general Eric Domingo na may certificate of product registration (CPR) na ang nasabing produkto.

Dalawang linggo na rin daw ang nakakalipas mula nang makapag-secure ng CPR ang naturang brand na kamakailan ay ipinagbawal na ibenta dahil hindi raw rehistrado ng FDA.

Mayroon lamang License to Operate bilang food repacker ang may-ari ng produkto na Reno Foods Incorporated.

Pero sa ilalim ng mga batas, dalawang klase ng authorization ang kailangan makuha ng processed food operators para maibenta sila sa publiko.