-- Advertisements --
Itinakda sa Agosto 20 ang pagdepensa sa titulo ni World heavyweight boxing champion Oleksandr Usyk laban kay Anthony Joshua ng Britanya.
Gaganapin ang pagdepensa ng Ukrainian boxer sa Saudi Arabia.
Tinalo kasi ni Usyk ang dating WBA, IBF at WBO champion na si Joshua noong Setyembre 2021 sa pamamagitan ng unanimous decision.
Itataya ni Usyk ang kaniyang IBF, WBA, WBO at IBO world titles kay Joshua na gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia.
Bumalik sa kanilang bansa ang 35-anyos na si Usyk para ipagtanggol ang kanilang bansa ng sakupin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero.