Papayagan na ang religious gatherings sa mga lugar sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ), pero hanggang sa 50 percent lamang ng capacity ng venue, ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra.
Ito ang desisyon aniya ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ngayogn parami na nang parami ang mga lugar sa bansa ang sasailalim na sa MGCQ.
Subalit mahigpit pa ring ipapatupad ang safety protocols sa mga pagtitipon-tipon na ito upang sa gayon ay maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Mababatid na noong nakaraang linggo ay inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasailalim na sa modified GCQ simula Hunyo 1 ang lahat ng mga lugar sa bansa.
Hindi kasama rito ang Metro Manila, Regions II, III, IV-A, and the provinces of Pangasinan and Albay and the cities of Davao, Baguio, at Iloilo, na isasailalim naman sa GCQ.
Sa mga lugar na sakop ng GCQ, ipinagbabawal pa rin ang religious gatherings.