-- Advertisements --

Mas pinaigting pa ng Philippince Coast Guard District Southeastern Mindanao ang ginagawa nitong relief operations sa mga komunidad na apektado ng malawakang pagbaha sa Davao region.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng PCG, mula noong Pebrero 3 hanggang Pebrero 4, 2024 ay nakapaghatid na ng essential supplies para sa 1,200 na mga residente ng Barangay Esperanza, Sto. Tomas, Davao del Norte.

Bukod dito ay patuloy din ang pagtulong ng ng coast guard sa paglilikas ng nasa 250 na mga pamilya at pamamahagi ng relief suppliesu sa Barangay Cabuaya, Mati City, Davao Oriental.

Habang nakatulong na rin ang PCG sa pamamahagi ng 1,400 relief boxes para sa mga apektadong pamilya sa Barangay San Antonio at Barangay Pangibaran sa Mabini, Davao de Oro.

Ang naturang relief goods ay kinabibilangan ng pagkain, inuming tubig, at hygiene products para sa mga recovering families na apektado ng naturang mga pagbaha sa Barangay Luban, Barangay Lanca, at Barangay Cabuaya sa Mati, Davao Oriental.