-- Advertisements --
image 357

Nakahanda na ang ipapamahaging relief goods at ipapakalat na response teams para sa magiging epekto ng Super Typhoon Betty sa bansa ayon sa Office of the Civil Defense (OCD).

Ayon kay OCD information officer Diego Mariano nasa mahigit 12,000 personel ng Armed Forces of the Philippines ang nakahanda para sa search, rescue at retrieval operations.

Mayroon na ring nakastand-by na mga personnel mula sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard.

Karamihan sa mga personnel ay nakadeploy na sa mga lugar na inaasahang maapektuhan ng super typhoon.

Ayon sa OCD official, mayroong standby funds at halos 8,000 family food packs ang nakahanda para sa mga indibiwal na maapektuhan ng pananalasa ng bagyo.

Samantala, sinabi din ni Mariano na mayroong sapat na kagamitan na magagamit para sa clearing at rescue operations.

Inihahanda na rin ang satellite phones para sa komunikasyon.

Muling inihayag ng opisyal na target ng pamahalaan ang zero casulaty kasabay ng pagpapatupad ng preemptive evacuation base sa pagpapasya ng mga lokal na pamahalaan.