Nagpaliwanag ang Department of Labor and Employment (DOLE) matapos amining made-delay ang pag-release nila ng P5,000 cash aid sa mga empleyadong apektado ng “lockdown” dahil sa COVID-19.
Sa isang panayam sinabi ni DOLE Asec. Dominique Tutay na bunsod ito ng kulang na manpower ng mga bangko na siyang pagdadaanan sana ng distribusyon ng tulong pinansyal.
Sinisikap naman daw ng ahensya na makipag-ugnayan sa mga stakeholders para mapabilis ang release ng ayuda.
May ilang bangko kasi sa ibang rehiyon na limitadong oras lang nago-operate.
Target daw ng Labor department na mabigyang tulong ang higit 350,000 workers ng parehong formal at informal sector sa kalagitnaan ng Abril.
Batay sa data ng DOLE, nasa higit 100,000 workers mula sa formal sector na ang nakatanggap ng P5,000 assistance sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).
May halos 80,000 informal sector workers naman na ang nakatanggap ng benepisyo mula sa TUPAD at BKBK program ng DOLE.